Issue of May 13, 2018
     
NEWS
Benguet
Kalinga
 
OPINION
 

2018
Panagbenga Flower Festival
 
Other Links:
WEEK'S MAIL
We welcome your letters and opinions. Kindly limit your letters to a page, preferably typewritten and doublespaced. However, for your letters to be considered for publication, it is essential that all letters must be SIGNED above your PRINTED NAME (you may request your name to be withheld or substituted with your pen name) and must include your ADDRESS and PHONE NUMBER. Letters and emails deficient in any of the above requisites will not be entertained. Please be guided accordingly. Thank you.
 
Mag–unawaan, hindi magsiraan tuwing eleksyon
MARY ANN S. PACIO, Buguias, Benguet

Bukas, Mayo 14,  na ang halalan para sa barangay at Sanggungiang Kabataan.

Ito ay isang malaking pangyayari sa bawat barangay dahil ayon sa karamihan, dito nakasalalay ang kinabukasan ng mga mamamayan sa barangay. Dito rin malalaman kung sino-sino ang mga nais ng nakararami na mamuno sa kanila.

Sa mga nagdaang mga araw, hindi pa man nagsimula ang pag-ikot ng mga kandidato, marami nang naririnig na iba’t ibat kuro-kuro kung sino nga ba ang mga dapat na maupo sa puwesto.

Subalit nakalulungkot isipin na karaniwan mong maririnig ay ang mga siraan hindi lang mula sa mga kandidato kundi pati na rin sa mga karaniwang mamamayan maiangat lamang ang kanilang sarili o ang taong nais manalo. Dahil dito, nawawala ang pagkakaibigan o pinagsamahan ng bawat kandidato.

Ang tanong ko lang po, kumusta kaya ang relasyon ng mga kandidato o ng mga magkakabarangay pagkatapos ng eleksiyon lalo na sa mga barangay na karaniwang magkakamag-anak? Talaga bang dapat nating siraan ang isang tao upang maiangat ang ating sarili o kapwa sa mata ng ibang tao?

Sa akin lang po, hindi nagtatapos ang ating buhay sa araw ng halalan. Darating ang araw na ang taong siniraan natin ay siya pala ang taong makatutulong sa atin o iyong taong iniangat natin ang siyang aapak sa ating pagkatao.

Bago po manira o magsalita laban sa kapwa, sana isipin po natin na bawat tao ay may kahinaan. Kung siya man ay nadapa, wala ba siyang karapatang bumangon upang iayos ang kaniyang sarili?

Sa mga taong nakarinig ng mga paninira, pinaniwalaan ba ninyo agad? Sana po, bago maniwala, pakinggan ninyo muna ang panig ng kabila. Kung nais ninyong maliwanagan, siya ay iyong kausapin. Kung totoo ang sinasabi ng iba, malamang may malalim siyang dahilan.

Sana sa mga nagdaang mga araw, nagkaroon tayo ng pagkakataong marinig o mabasa ang programa ng bawat kandidato upang sa ganoon, malalaman natin kung sinu-sino ang nararapat nating iboto.

..........................................................................................................................................................
MORE ON WEEK'S MAIL
..........................................................................................................................................................
:: Choice for barangay leadership
The barangay is the foundation of governance in our country, thus the barangay and Sangguniang Kabataan elections on May 14 is an important political exercise in which voters are enjoined to participate.
..........................................................................................................................................................
:: A cultural difference
I was told that the Japanese put premium to honor in their day-to-day living. It is incumbent for anyone in a Japanese household to guard the family’s reputation and not to expose it to any kind of shame.
..........................................................................................................................................................
:: The grandeur of God’s creation
The front page of the May 6 issue of the Baguio Midland Courier featured the Badi Falls in Sagubo, Kapangan, Benguet.
 

Your Ad Here


Home | About Us | Editorial Policy | Contact Us
News | Opinion | Snapshots | Week's Mail | Obituaries
Copyright © 2007. All Rights Reserved. baguiomidlandcourier.com.ph